Welcome para kay Camiguin Rep. Jesus Jurdin Romualdo ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang naging pahayag ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na nananawagan sa militar na tumiwalag sa pagsuporta sa Marcos Jr. administration.
Para kay Romualdo, palusot na lang ng dating House Speaker na ‘freedom of speech’ ang kaniyang naging panawagan sa isang rally sa Tagum City.
Giit ng Camiguin solon, batid naman ng kasamahang kongresista na hindi absolute ng freedom of speech.
“Huwag na po tayong magpalusot. The former speaker very well knows that free speech is not absolute. One cannot make a seditious call or a libelous statement without facing the consequences,” giit niya.
Nainiwala ang mambabatas na may sapat na recording ng naging talumpati ni Alvarez na maaaring gamitin sa imbestigasyon ng DOJ
Una nang nanawagan si Romualdo na agad sampahan ng kaso ang Davao del Norte solon dahil sa naging talumpati ito.
Paalala pa ni Romualdo sa kasamahang kongresista na bilang isang mamababatas ay hindi dapat nagbibitiw ng mga salita na labag pagiging miyembro ng Kamara de Representantes.
Bilang chair ng defense committee ng Commission on Appointments, ay nagpasalamat pinuri ni Romualdo ang militar sa pagrespeto sa chain of command at hindi pakikinig sa sinabi ng dating House Speaker.| ulat ni Kathleen Forbes