Handa si Senate Committee on Women and Children Chairperson Senadora Risa Hontiveros na sagutin ang anumang utos ng Korte Suprema.
Ito ang tugon ni Hontiveros sa desisyon ng SC na pagkomentuhin ang Senado sa petisyon ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na itigil ang pagpapatupad ng arrest order ng mataas na kapulungan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Hontiveros na pag-aaralan nila kasama ng kanyang abugadong si dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang naturang kautusan.
Ayon sa senador, bagama’t hindi pa nila natatanggap ang SC order ay handa aniya silang sumunod bilang pagrespeto at pagkilala sa separation of powers ng mga institusyon ng gobyerno.
Umaasa rin aniya ang mbabayas na ang prinsipyo ring ito ang gagabay sa lahat, kabilang na aniya ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy. | ulat ni Nimfa Asuncion