Iniugnay ni ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Reyes ang pagtaas sa foreign direct investment ng Pilipinas sa mga naging biyahe ng Pangulong Fedinand R. Marcos Jr. sa ibang bansa.
Ayon sa mambabatas, bilang ‘chief salesman’ ng bansa ang Pangulo, ay nakinabang ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga naging biyahe nito na pinatunayan ng 90% na pagtaas sa foreign direct investment ng bansa.
Naniniwala rin si Reyes na simula pa lang ito ng pagbuti at epekto ng pinaraming FDI.
Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo sa 907 million dollars na net FDI ang naitala nitong Enero.
Ang Japan naman ang nangunang source ng FDIs sa Pilipinas na nasa 69% ng kabuuan.
Payo naman ng mambabatas sa mga kritiko na tapusin na ang pagdududa sa punong ehekutibo at aminin na mahalaga ang international engagements sa pagsuporta sa development agenda ng bansa. | ulat ni Kathleen Forbes