Handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdating sa Clark International Airport ng unang batch ng Brahmos Cruise Missile System mula India ngayong Biyernes.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, maglalabas ng karagdagang detalye ang Sandatahang Lakas sa oras na ang kagamitan ay pormal nang nai-turn over sa kanila.
Ang Brahmos Cruise Missile System ay kinuha ng Pilipinas sa pamamagitan ng purchase agreement na nilagdaan noong 2022 para sa 3 missile battery, na bahagi ng Shore-based Anti-ship Missile System acquisition project ng Philippine Navy.
Nagkakahalaga ito ng 374.9-M US dollars o katumbas ng P18.9-B.
Ang supersonic Brahmos cruise missile ay may flight range ng hanggang 290 kilometro at may kapabilidad na lumipad sa bilis na Mach 2.8 o halos 3 beses ng “speed of sound”. | ulat ni Leo Sarne