Aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagkamit ng sustainable development goals, isinulong ng OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Office of Civil Defense (OCD) ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa pagkamit ng United Nations (UN) Sustainable Development Goals (SDG), partikular sa larangan ng Disaster Risk Reduction.

Ito ang inihayag ni Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno sa 5th National Youth Eco Camp sa Boracay, Aklan na inorganisa ng Bridging Leaders for Sustainable Development Inc. (BLSD).

Sa naturang aktibidad, tinalakay ng mga opisyal ng OCD ang Community-Based Disaster Risk Reduction (CBDRRM), at ang pagsama ng DRRM – Climate Change Adaptation sa mga plano at aktibidad patungkol sa local youth development.

Dito ay hinikayat naman ni OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV ang kabataan na gamitin ang kanilang boses, talento at potensyal para sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

Ang 17 The United Nations Sustainable Development Goals ay binubuo ng 169 na target kung saan 10 goal, at 25 target ang may kinalaman sa disaster risk reduction. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us