Lumagda sa kasunduan ang Social Security System (SSS) at 17 Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) ng Barangay Sto. Nino, Marikina City ngayong araw.
Layon nitong ilapit ang mga serbisyo at benepisyo ng SSS sa mga tricycle driver sa lungsod.
Tinatayang 1,200 na mga tricycle driver ang mabebenepisyuhan ng programa kung saan maaari silang mag-apply bilang self-employed upang makapag-avail ng iba’t ibang benepisyo ng SSS.
Gaya ng death o burial assistance, maternity leave para sa kanilang mga asawa, at iba pa.
Ayon kay SSS-NCR Senior Vice President Rita Aguja, ito ay libreng ibinibigay ng SSS para sa kanila at hindi ibabawas sa kanilang retirement pay.
Sa panig naman ni Marikina City 1st District Representative Marjorie Ann Teodoro, nangako ito na sasagutin ang kontribusyon sa SSS ng 1,200 na tricycle drivers sa loob ng isang taon. | ulat ni Diane Lear