Ipinakita ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa harap ng mga dayuhang mamumuhunan sa isinagawang Philippine Dialogue sa Washington D.C., kung bakit kaakit-akit na mag-invest dito sa Pilipinas na nakapukaw naman ng interest ng mga American investor.
Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni Recto ang robust growth trajectory at ang promising demographics ng bansa.
Ipinahayag din ng DOF Chief ang commitment ng pamahalaan para sa isang conducive business environment.
Nagpahayag naman ng kanilang pagkasabik at suporta para sa mga inisyatibo ng gobyerno ang ilang kilalang mamumuhunan mula sa Amerika tulad ng HSBC, CITI at IBM.
Dinaluhan ang nasabing dialogue ng mga pangunahing stakeholder kabilang ang 90 executives mula sa US-based funds and corporations, multilateral institutions, at mula sa public sector.| ulat ni EJ Lazaro