May hatid na libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayong araw para sa mga solo parent bilang paggunita sa selebrasyon ng National Solo Parents Day ngayong taon.
Ang libreng sakay ay handog ng Light Rail Transit Authority (LRTA) bilang espesyal na regalo para parangalan at suportahan ang mga solo parents.
Sa advisory na inilabas ng pamunuan ng LRTA, lahat ng solo parents ay maaaring makapag-avail ng libreng sakay sa limitadong oras.
Magsisimula ito mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi ngayong sabado.
Kailangan lamang ipakita ng solo parents ang kanilang valid Solo Parent Identification Card (SPIC) o di kaya ay Solo Parent Certificate of Eligibility.
Sakop ng LRT 2 ang biyaheng Antipolo hanggang Recto at vice versa.| ulat ni Rey Ferrer