Pasisimulan na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang ₱20 million halaga ng farm-to-market road project sa Barangay Gomentoc, Ayungon Negros Oriental.
Nakipagtulungan na ang DAR sa Ayungon local government unit para agad masimulan ang proyekto.
Nasa 1,090 kilometrong road project ang ilalatag sa lugar na pinondohan sa ilalim ng Agrarian Reform Fund.
Sinabi ni DAR Central Visayas Assistant Regional Director Arthur Dulcero na hindi bababa sa 200 agrarian reform beneficiaries at mga residente sa Barangay Gomentoc at Sitio Basak ang maseserbisyuhan ng farm to market road kapag natapos na ito.
Mahalaga aniya ang road project para sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka.
Ang inisyatibang ito ay hindi lamang mapapabuti ang kanilang pag-access sa mga merkado ngunit makatutulong din sa paglago ng ekonomiya ng lugar. | ulat ni Rey Ferrer