Muli na namang isasailalim sa “Yellow Alert” status ang Luzon Grid mamayang alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ipatutupad ito dahil sa pagnipis ng reserba ng suplay ng kuryente.
Nasa 22 powerplant sa Luzon ang nasa forced outage habang may isa rin na nasa derated capacity.
Sa datos ng NGCP, kapos ito ng nasa 2,325 megawatts na supply ng kuryente kung saan nasa 12,048 megawatts lang ang available capacity.
Habang ang peak demand ay umaabot sa 11,426 megawatts.
Samantala, iniulat din ng NGCP na balik na sa normal condition ang Visayas grid. | ulat ni Rey Ferrer