Ilulunsad na sa Abril 22 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang “Earth Day Every Day Project”.
Layon nitong pakilusin ang mga kabataan sa pagsugpo sa plastic pollution at palakasin ang paglaban sa paggamit ng plastic.
Ang “Earth Day Every Day Project” ay isang plastics collection competition sa mga mag-aaral sa buong bansa.
Ipapamulat din sa mga kabataan ang kahalagahan ng pag-recycle ng mga plastik at pagyamanin ang kultura ng mga responsibilidad sa kapaligiran na naaayon sa mga halaga ng scouting.
Ang aktibidad ay gaganapin sa Pasay City at pangungunahan ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga at mga stakeholder ang paglagda sa Pledge of Commitment. | ulat ni Rey Ferrer