Malaking bilang pa ng Persons Deprived of Liberty (PDL) ang matagumpay na nailipat sa bagong pasilidad ng Quezon City Jail sa Barangay Payatas sa Quezon City.
Kabuuang 636 PDLs ang ikatlong batch ang nailipat kahapon mula sa lumang pasilidad sa barangay Kamuning.
Sa kabuuan, umabot na sa 1,198 ang bilang ng PDLs ang nasa costudy na ng bagong pasilidad.
Ang paglilipat ng mga PDL ay magtutuloy-tuloy na alinsunod sa decongestion program ng Bureau of Jail, Management and Penology.
Kumpara sa lumang pasilidad, ang bagong QC Jail Male Dormitory ay may tatlong 5-storey building na may 440 na selda. Bawat selda ay kayang maka-accomodate ng 20 PDLs.
Nabatid na aabot pa sa 2,981 PDL ang nagsisiksikan sa lumang pasilidad na hindi akma sa kapasidad nito. | ulat ni Rey Ferrer