Muling aarangkada ang anti-rabies campaign sa Lungsod ng Makati City para naman sa mga residente nito sa Barangay Guadalupe Nuevo simula Abril 22, araw ng Lunes.
Pangungunahan ng Makati Veterinary Services Department ang pag-iikot sa nasabing barangay kung saan magbibigay ito ng libreng anti-rabies vaccination para sa furbabies ng Makatizens.
Pinaalalahanan naman ang mga residente ng Barangay Guadalupe Nuevo na dalhin ang mga vaccination cards ng kanilang mga alagang pusa at aso kung mag-avail ng libreng bakuna.
Hinihikayat din ni Mayora Abby Binay ang mga fur parents na pabakunahan ang kanilang mga alaga upang maprotektahan sila laban sa rabies. | ulat ni EJ Lazaro