May tatlumput limang (35) technical personnel ng National Housing Authority (NHA) ang sumailalim sa Constructors Performance Evaluation System (CPES) training.
Binubuo ang mga ito ng inhinyero at arkitekto mula sa iba’t ibang regional at district offices.
Ang mga lumahok sa tatlong araw na pagsasanay ay itatalaga na bilang mga kwalipikadong mag-
inspeksyon at sumuri sa kalidad ng mga proyekto ng NHA.
Pati na rin ang pagmarka sa production performance ng mga katuwang na developer at contractor.
Patunay nito, ang mga bagong CPES evaluators ay handa na para sa kanilang tungkulin na siguraduhin ligtas, komportable, at disenteng pabahay ang ipagkakaloob ng NHA sa mga pamilyang Pilipino.
Sa Mayo 15-17, 2024, panibagong serye sa pagsasanay ng NHA CPES ang isasagawa. | ulat ni Rey Ferrer