Muling ipinahayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang kanyang pangako sa pagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng kasaraian sa pambansang budget sa isinagawang talakayan kasama ang International Monetary Fund Gender Strategy Team sa Estados Unidos.
Sa isinagawang meeting ipinamalas ni Sec. Pangandaman kasama si DBM Principal Economist Dr. Joselito Basilio ang kahalagahan ng pag-integrate ng gender equality sa economic policies and frameworks.
Binigyang-diin din ng DBM Chief ang importansya ng pagtatag ng gender budget tagging upang palakasin pa ang paglago ng ekonomiya at bigyang kakayahan ang mga kababaihan.
Inihayag din nito ang dedikasuon ng pamahalaan ng Pilipinas sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang international partners tulad ng IMF upang mapalakas ang mga pasisikap nito pagdating sa usapin ng gender at maabot ang sustainable development goals.
Samantala, nakatakda namang ipagpatuloy ng IMF ang mga engagement nito sa economic policy at governance sa mga susunod na buwan. | ulat ni EJ Lazaro