Pagdaragdag ng mga motorcycle lane sa EDSA, pinag-aaralan ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang posibilidad na dagdagan pa ang motorcycle lane sa EDSA.

Ito’y kasunod na rin ng dumaraming bilang ng mga motorsiklo na bumabaybay sa naturang pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Ayon sa DOTr chief, batay sa isinagawa nilang pag-aaral ay tinatayang aabot sa 170,000 na mga motorsiklo ang bumabaybay sa EDSA araw-araw.

Kaya naman puspusan ang ugnayan sa pagitan ng DOTr at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng motorcycle lane sa tabi ng kasalukuyang bicycle lane

Magugunitang itinalaga noon ng MMDA ang 3rd lane ng EDSA bilang motorcycle lane subalit hindi rin ito kadalasang nasusunod dahil sa kinakain din ito ng mga 4-wheeled vehicle.

Layon nito ani Bautista na matugunan ang matagal nang problema sa trapiko kung saan, bilyong-bilyong piso ang nawawala sa ekonomiya dahil dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us