Pinakamataas na heat index ngayong araw, posibleng pumalo sa 45°c — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

‘Danger’ level na namang heat index ang aasahan sa maraming lugar sa bansa ngayong Lunes.

Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa 45°C ang pinakamataas na heat index na maitatala sa Pili sa Camarines Sur.

Kapag nasa danger category, maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure ng isang indibidwal.

Samantala, bukod sa Camarines Sur, nasa ‘danger level’ heat index rin ang inaasahan sa 14 na lugar sa bansa na posibleng umabot sa 42-44°C ang alinsangan.

Dito sa Metro Manila, inaasahang tataas pa sa 40-41°C ang heat index ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us