Patuloy pa ring nababawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay nabawasan pa ng 44 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 191.29 meters.
Nasa tatlong metro na ang agwat nito mula rin sa 194.07 meter water elevation ng dam noong nakaraang linggo.
Bukod sa Angat Dam, karamihan din ng dam na binabantayan ng PAGASA sa Luzon ay nagkaroon ng tapyas.
Kabilang dito ang Ipo, La Mesa Dam, Ambuklao, at San Roque Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa