NFA, sinimulan na ang pamimili ng palay sa mas mataas na presyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng National Food Authority (NFA) ang pamimili ng palay sa mas mataas na halaga.

Ito’y kasunod ng desisyon ng NFA Council na itaas ang buying price para sa wet palay sa ₱17-₱23 mula sa dating ₱16-₱19 habang ₱23-₱30 naman para sa dry palay mula sa dating ₱19-₱23 kada kilo

Ayon kay NFA Acting Administrator Larry Lacson, layon ng hakbang na mahikayat ang mas maraming magsasaka na magbenta ng palay sa pamahalaan at madagdagan ang buffer stock ng bansa. “This is unique in a sense that different provinces will have different prices depending on the conditions in the province such as prevailing farm gate price, remaining harvest, and most importantly the target palay procurement for the area.”

Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inaasahan nitong makatutulong ang mas mataas na buying price sa mga magsasaka at para rin mapaangat ang buffer stock.

Una na ring pinaigting ng NFA kolaborasyon nito sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU).

Isa itong programa ng NFA kung saan magdadagdag ang LGUs ng kaunting presyo kada kilo sa kasalukuyang palay buying price ng NFA para sa mga magsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us