Naging matagumpay ang inagurasyon ng kauna-unahang mobile plant food safety laboratory sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa pamamagitan ng testing lab, maihahatid na ang food safety sa mga consumer at stakeholders kahit na sila ay nasa remote areas.
Kaya nitong magsagawa ng rapid screening at testing para sa pesticide residue; heavy metals; at microbiological contaminants sa mga plant-based food.
Makakatulong din ito upang maging proactive ang monitoring ng kagawaran at mapabilis ang interventions sa gitna mg krisis.
Pagtiyak pa ng kalihim na magpapatuloy ang pagsisikap ng DA upang masiguro ang food safety sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer