Pumalo sa mahigit ₱100 milyon ang halaga ng multa na makokolekta ng pamahalaan sa mga kolorum na sasakyan.
Ito ay resulta ng pinaigting na Anti-Colorum Operations ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).
Batay sa datos, ang naturang halaga ng multa ay mula sa isinagawang operasyon simula November 2023 hanggang April 1, 2024.
Kabilang sa mga nahuli ng SAICT ang mga bus, van, at iba pang pampublikong sasakyan.
Nasa ₱200,000 ang multa sa mga kolorum na van, habang ₱1 milyon naman ang ipinapataw sa mga kolorum na bus.
Nanawagan ang DOTr sa publiko na huwag tangkilikin ang mga kolorum na sasakyan sa halip ay i-report ito sa DOTr Commutter Hotline 0920-964-3687. | ulat ni Diane Lear