Nakipagpulong ang economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga malalaking credit rating agency kamakailan.
Pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto ang back-to-back meeting sa mga global and Asia Heads ng Fitch Ratings, Moody’s Credit and S&P Global sa sidelines ng Worlbank -International Monetary Fund Spring Meetings sa Washington DC.
Ayon kay Recto, kanilang iprinesenta ang promising growth story at iba pang key developments ng bansa.
Sa kasalukuyan, mataas ang score ng Pilipinas sa tatlong credit rating agencies.
Nakamit ng bansa ang strong vote of confidence at sound economic policies na sumasalamin na mas accessible ang financing para sa mga development programs ng gobyerno.
Maituturing din aniya itong “big win” ng ordinaryong mga Pilipino. Napanatili ng Moodys, Fitch Ratings at S&P Global ang positive growth forecast nito sa Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes