Ginawaran ng Certificate of Commendation (COC) ng Anti-Red Tape Authority ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ngayong araw, Abril 22, 2024.
Pinangunahan ni ARTA Secretary Ernesto Perez, ang paggawad ng COC bilang pagkilala sa mga lokal na pamahalaan na fully compliant sa pagtatatag ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).
Ang eBOSS ay isang joint initiative ng ARTA kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Communication Technology (DICT), at Department of Trade and Industry (DTI).
Layon nitong mapabilis ang pag-apply at pag-renew ng business registration sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer