Iprinisinta ng Private Sector Advisory Council ang ilang mga inisyatiba kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang paghusayn ang digital infastructure at makalikha ng ilang milyong digital jobs.
Kabilang dito ang inaasahang training para sa 10,000 Digital Civil Servants projects na naglalayong i-improve ang kakayahan ng gobiyerno na mai-deliver ang digital services.
Ayon sa PSAC, nakatakdang lagdaan ng Civil Service Commission, Private Sector Jobs and Skills Corp., Ayala Group, SM Group, National University at Mapua University ang partnership agreement.
Ang proyekto ay sisimulan ng pagsasanay ng 40 participants sa bansang Singapore. Sila ang magiging leader sa gagawing training naman dito sa Pilipinas.
Alinsunod ito sa atas ni Pangulong Marcos na lumikha ng 1M na digital jobs hanggang taong 2028. Solusyon din ito sa pangangailangan ng labor market ng bansa.
Samantala, inaayos na rin ng PSAC ang kanilang panukala para sa nationwide digital connectivity kasunod ng isang commercial agreement model para sa pagtatayo ng kinakailangang imprastruktura.| ulat ni Melany V. Reyes