Naitala ang pinakamainit na temperatura ng panahon ngayong araw sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Sa inilabas na highest heat index ng PAGASA, pumalo sa 46 degrees celcius ang heat index sa lungsod na ikinukusiderang “danger level” category.
Limang araw nang tuloy-tuloy ang nararamdamang matinding init ng panahon sa Puerto Princesa City.
Bukod dito, may 25 na lugar pa sa bansa ang pumalo din sa danger level ang heat index na abot sa 45 degrees celcius.
Kabilang dito ang Aborlan, Palawan, Virac (Synop) sa Catanduanes, Zamboanga City sa Zamoanga del Sur. Habang ang iba pa ay mula 42 hanggang 44 degrees celcius.
Naitala naman sa NAIA, sa Pasay City ang 42 degrees Celcius at 40 degrees celcius naman sa Science Garden sa Quezon City.
Ayon sa PAGASA, asahan pa ang matinding init ng panahon bukas sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang ang Metro Manila.| ulat ni Rey Ferrer