Kinilala ni Qatari Emir HE Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani ang ambag ng Filipino Community sa kanilang bansa, partikular sa patuloy na pag-unlad ng Qatar.
“This is my pleasure to take this opportunity to praise the Filipino community residing in the State of Qatar and their effective contribution to the development, progress in our country.”-HE Sheikh Tamim.
Sa bilateral meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang, ngayong araw (April 22), nagpasalamat ito sa pangulo para sa Filipino hospitality.
Binigyang diin ng Qatari Emir na ang Pilipinas, isang mahalagang kabalikat sa kanilang bansa, lalo na sa linya ng kalakalan at economic cooperation.
“The Philippines is an important partner for us in many fields and especially in trade, economic cooperation. And, we aspired to improve these relations to increase communication between the private sector in both the countries.” -HE Sheikh.
Ang Qatar, nagsisilbing ikalawang tahanan sa higit 242, 000 na Overseas Filipino.
Nitong 2022, pumalo sa higit 895 million US dollars ang natanggap na remittance ng Pilipinas, mula sa Qatar.
Habang ngayong araw, kaliwa’t kanang kasunduan ang nalagdaan sa pagitan ng dalawang bansa, partikular sa linya.
Paglaban sa human traffiking, pagsu-sulong ng kapakanan ng seafarers, turismo, kalakalan, sports, at iba.| ulat ni Racquel Bayan