Pagpapalakas sa national security at ekonomiya ang pagtutuunan ng pansin ng Kamara sa nalalabing sesyon ng 19th Congress.
Ito ang tinuran ni Speaker Martin Romualdez sa kaniyang pagharap sa foreign policy forum na ikinasa ng Department of Foreign Affairs ngayong araw (Abril 23) na dinaluhan ng mga ospiyal ng pamahalaan at diplomats.
Giit ni Romualdez, malaki ang papel ng kapayapaan para makamit ang kaunlaran kaya’t layon nilang paigtingin ang ating national defense at international security posture.
“As we embark on another session this April 29th, our legislative focus sharpens on the dual imperatives of national security and robust development. Recognizing that peace is the cornerstone of prosperity, we aim to enact laws that fortify our national defense and enhance our international security posture. These initiatives are critical in maintaining sovereignty and stability, enabling our nation to pursue development goals without the shadow of external threats,” sabi ni Romualdez.
Inihayag din ng lider ng Kamara na development agenda ng Kamara na nakatuon sa healthcare, edukasyon at digital infrastructure.
Halimbawa nito ang abot-kaya at abot-kamay na access sa serbisyong pangkalusugan, liberalized education system at pagtugon sa digital divide.
“In healthcare, we are committed to expanding access and improving the quality of services, making healthcare affordable and accessible to every Filipino. Our initiatives in education aim to create a more liberalized system that not only meets global standards but also equips our youth with the necessary skills to thrive in a globalized economy. Additionally, by enhancing our digital infrastructure, we aim to ensure that every Filipino can benefit from the digital revolution, bridging digital divides and fostering economic inclusivity,” sabi pa ng House Speaker.
Paalala ni Romualdez na sa pagpapaigting ng Kongreso ng kaayusan at seguridad ay magbibigay daan ito sa mas maraming economic activity at iba pang insisyatiba para sa pagpapaunlad ng bansa.
“These, in turn, contribute to further stabilizing our nation by reducing poverty, creating jobs, and improving living standards, which in turn diminishes the likelihood of social unrest. This virtuous cycle is fundamental to sustainable development and is a cornerstone of our legislative agenda,” diin niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes