Posibleng pag-alis sa deployment ban ng OFW, kabilang sa tatalakayin ng ipinadalang Congressional Mission sa Libya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo ang isang Congressional mission sa Tripoli, Libya matapos imbitahan ng Libyan Ministry of Labor and Rehabilitation.

Ang naturang biyahe, na may basbas ni Speaker Martin Romualdez, ay nilalayong magkaroon ng high-level talks ukol sa proteksyon at karapatan ng overseas Filipino worker doon at i-assess ang contingency plans ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Salo, napapanahon ang Congressional Mission lalo na sa gitna ng kaguluhan at tensyon sa Middle East.

Kasama rin sa tatalakayin ang employment opportunities para sa mga Pilipino at kung maaari na bang bawiin ang deployment ban na ipinataw noon pang 2019 lalo’t naghahanap ng mga manggagawa ang Libyan oil companies, construction firms, at mga paaralan.

Magkakaroon din aniya ng consultation meetings sa Filipino community upang matukoy ang mahahalagang panukala at polisiya na magsusulong sa kanilang kapakanan.

Tatagal ang Congressional Mission mula April 22 hanggang April 26, 2024. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us