BIR, naaresto ang isang “fixer” na nakapangikil ng milyon-milyong piso sa tax payer

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling binalaan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang mga taxpayer na iwasan ang pakikitungo sa “fixers” sa pagbabayad ng buwis.

Apela ito ni Lumagui, matapos maaresto ang isang sindikato na nangikil ng milyon-milyong piso sa isang taxpayer na pinangakuang “aayusin” ang pagbabayad sa buwis.

Ang sindikato na private citizens at hindi mga kawani ng BIR ay nakapangikil ng P3.6 million mula sa taxpayer, gamit di umano ang kanilang koneksyon sa matataas na opisyal ng BIR.

Ginamit pa ng sindikato ang mga pekeng pirma ng BIR Commissioner, Deputy Commissioner for Operations Group, Deputy Commissioner ng Legal Group, Assistant Commissioner ng Large Taxpayer Service, at Revenue District Officer.

Umapela ang BIR sa publiko, na i-report sa BIR ang mga indibidwal o grupo na mag-aalok ng serbisyo kapalit ng malaking halaga. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us