Ipadadala ng Philippine Air Force (PAF) sa Australia ang anim nilang FA-50 fighter jet para lumahok sa nalalapit na “Pitch Black” Military Exercise na panangungunahan ng Royal Australian Air Force.
Ayon kay PAF Spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, bukod sa fighter aircraft, gagamitin din ng PAF ang kanilang C130 cargo plane para magdala ng support equipment na kanilang gagamitin sa pagsasanay.
Ayon kay Col. Castillo, ito ang unang pagkakataon na sasali ang PAF sa international exercise, dahil sa nakaraang panahon ay nagpadala lamang sila ng mga tauhan na nagsilbing mga observers.
Inaasahan na mahigit sa 100 na tauhan ng PAF ang sasali sa ehersisyo mula Hulyo 12 hanggang Agosto 2 sa Darwin, Australia. | ulat ni Leo Sarne