Lumikha si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng inter-agency group upang paghandaan ang bid sa pag-host ng Loss and Damage Fund (LDF) upang pabilisin ang access ng bansa sa mas maraming climate finance.
Sa statement na inilabas ng Department of Finance, pangungunahan nila ang Technical Working Group sa paghahanda ng bansa sa LDF board para sa taong 2024 to 2026.
Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto, na handa ang Pilipinas sa hangarin na mag-host ng Loss and Damage Fund.
Ang LDF ay isang global financial mechanism na nilikha upang magkaloob ng assistance sa mga bansang higit na naapektuhan ng climate change.
Dagdag pa ng DoF, ang aktibong partisipayon ng Pilipinas sa LDF ay magbibigay daan sa ibang mga bansa para sa kolaborasyon upang tugunan ang “climate-related challenges”.
Pagkakataon din ito upang bigyan diin ng bansa ang “game changing” na mga inisyatibo sa climate adaptation and mitigation. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes