Muling binigyang diin ni House Committee on Senior Citizens Chair Rodolfo Ordanes na dapat ay bigyang pagkakataon na magka empleyo ang mga senior citizen na fit-to-work pa.
Naniniwala ang mambabatas na kung iha-hire ng mga malalaking korporasyon at middle-sized enterprises ang mga senior ay mababawasan pa lalo ang mga Pilipino na kinokonsidera ang sarili na mahirap at nagugutom.
Batay sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng Octa Research nakapagtala ng pagbaba sa self-rated poverty mula 45% noong nakaraan patungong sa 42% na lang.
Giit ni Ordanes marami sa mga senior na nasa kanilang 60s ang kaya at gusto pa ring mag trabaho.
Ang kailangan lamang aniya ay hanapan sila ng angkop na kompanya para sa kanilang kasanayan.
“If each of the 148 cities of the country can produce 1,000 jobs for seniors in a year, that is already 148,000 jobs created, even if only for temporary six-month periods. If each of the 1,486 municipalities creates at least 50 jobs for seniors, that is another 74,300 new jobs.” sabi ni Ordanes. | ulat ni Kathleen Forbes