Nasa higit 50 milyong Pilipino na ang may hawak na pisikal na National IDs.
Iniulat ito ng Philippine Statistics Authority (PSA) matapos umabot sa 50,063,728 National IDs ang mai-deliver sa buong bansa.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, maituturing itong malaking tagumpay sa implementasyon ng National ID system.
Dagdag pa nito, ngayong mas maraming Pilipino na ang may hawak National ID, ay patuloy na maisusulong ang paggamit nito sa mga transaksyon sa national government agencies.
Bukod sa National ID, tuloy-tuloy pa rin naman ang pag-iisyu ng ePhilIDs ng PSA sa mga nakapagrehistro na sa Philsys.
As of April 12, 2024, aabot na rin sa 45,157,255 ePhilIDs ang naisyu ng ahensya.
Kasunod nito, tiniyak ng PSA ang tuloy-tuloy na pag-iikot ng mobile registration initiatives lalo sa Geographically-Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) at pati na ang institutional registration activities kung saan inilalapit ang pagpaparehistro sa mga eskwelahan. | ulat ni Merry Ann Bastasa