Buong bansa na ang apektado ng pagnipis sa reserba ng kuryente.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, kasama na rin ang Mindanao Grid sa ilalagay sa alert status ngayong araw.
Unang ipatutupad ang Yellow Alert Status sa Visayas at Mindanao Grid simula alas-10 ng umaga.
Tatagal ng hanggang alas-4 ng hapon ang Yellow Alert sa Mindanao Grid.
Para sa Visayas Grid naman, ito ay itataas pa sa Red Alert sa mga sumusunod na oras:
12:00NN-5:00PM
6:00PM-8:00PM
Babalik ito sa Yellow Alert sa:
5:00PM-6:00PM
8:00PM-9:00PM
Samantala, sa Luzon Grid, narito ang magiging status:
๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ
3:00PM-4:00PM
๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ A๐ฅ๐๐ซ๐ญ
1:00PM-3:00PM
4:00PM-10:00PM
Ayon sa NGCP, maraming planta pa rin ang naka-forced outage at tumatakbo sa mas mababang kapasidad na nakakaapekto sa reserba ng kuryente.
Una na ring nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa publiko sa wastong paggamit ng kuryente ngayong buong bansa na ang apektado ng pagnipis ng reserba o pagkulang ng suplay ng kuryente. | ulat ni Merry Ann Bastasa