Aminado ang Commission on Election na wala silang kapangyarihan para I-regulate ang paggamit ng social media sa panahon ng eleksyon.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Chairman George Erwin Garcia, wala silang magagawa kahit dumami ang mga election promotion ng mga kandidato tuwing halalan.
Sa ilalim ng kasalukuyang Omnibus Election Code, tanging mga mainstream media tulad ng telebisyon, Radyo, mga magazine, dyaryo at iba pang mga ba basahin.
Kahit daw gumawa ng maraming account o magbayad ng mga troll ang isang pulitiko ay hindi daw ito maaaring ipagbawal ng Comelec dahil walang batas tungkol dito.
Sa pamamagitan ng Kongreso, dapat daw ay gumawa na ng batas patungkol sa pag-regulate ng Social media sa mga kandidato sa panahon ng halalan.
Sabi ni Garcia, noong ginawa ang Omnibus Election Code ay hindi pa naglilikha ang social media.
Sang-ayon naman dito ang Department of Information and Communications lalo pa at dumarami ang mga fake account sa mga social media.
Ayon kay Undersecretary Jeffrey Ian Dy ng DICT, kinakailangan pa nilang makipag-ugnayan sa mga may-ari ng mga social media app tulad ng YouTube, Facebook, TikTok at iba pa para lamang alisin ang isang pekeng account.
Aminado naman si Assistant Director General Jonathan Malaya ng National Security Council, malaki ang nagiging impluwensya ngayon ng mga social media lalo na tuwing panahon ng eleksyon.
Malaki daw kasi ang nagiging bentahe ng isang kandidatong madalas ay marami ang nagpoptomote kahit fake account ang ginagamit ng mga ito. | ulat ni Michael Rogas