Nakikidalamhati ang mga mambabatas mula sa MAKABAYAN bloc sa Kamara sa pagpanaw ni dating Senador Rene Saguisag.
Ayon sa progressive solons, kilala si Saguisag bilang kampeon sa at tagapagsulong ng karapatang pantao at demokrasya sa Pilipinas.
Mag-iiwan anila ng marka sa ksaysayan ng bansa ang commitment ng dating senador sa pagtiyak ng hustisya at paglaban sa human rights.
Umaasa naman ang mga kinatawan na maipagpapatuloy ang sinimulang kontribusyon at laban ng dating senador para sa kapakanan ng mga Pilipino.
“…during this moment of loss, we join the Saguisag family in mourning the passing of a great statesman. We honor his life lived with integrity and purpose, and we stand in solidarity with all those who have been touched by his wisdom and compassion. As we remember the contributions of former Senator Rene Saguisag, may his spirit guide us in our ongoing struggle for genuine social change and the advancement of the people’s rights and welfare.” saad sa pahayag ng Makabayan Bloc.
Nagsilbing senador si Saguisag mula 1987 hanggang 1992.
Pumanaw siya sa edad na 84. | ulat ni Kathleen Jean Forbes