Kuntento si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa takbo ng tulong na inihahatid sa mga apektadong sektor ng El Niño phenomenon gaya ng magsasaka.
Ayon sa Chief Executive, maganda naman ang hakbang ng iba’t ibang departamento kung pag-uusapan ay pagapapadala ng tulong sa mga kinauukulan.
Pagtiyak ng Presidente, hanggat may pangangailangan ang mga magsasaka at residenteng patuloy na apektado ng tagtuyot ay magpapatuloy ang hakbang ng pamahalaan na maghatid ng kailangang asiste.
Panawagan lang ng Pangulo, mangyari lang na ipaabot sa kanila ang kailangang tulong sa pamamagitan ng local government units ng sa gayun ay batid nila kung ano ang ipadadalang alalay.
Kahapon ay pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka na kung saan ay umabot sa 2,000 benepisyaryo sa San Jose, Occidental Mindoro ang nabiyayaan. | ulat ni Alvin Baltazar