Umabot sa 6,695 na mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nagsuspinde ng face-to-face classes ngayong araw dahil sa mainit na panahon.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 6,695 sa kabuuang 47,678 na mga paaralan sa bansa nagpatupad ng alternative delivery mode.
Magugunitang pinapayagan ng DepEd ang mga opisyal ng paaralan na magpatupad ng alternaitive delivery mode o modular at online classes kung kinakailangan.
Sa tala ng PAG-ASA, nasa 30 mga lugar sa bansa ang nakapagtala ng 42 hanggang 46 degrees celcius na heat index o damang init ngayong araw.
Dito sa Metro Manila umabot sa 44 degrees celsius ang heat index na pasok danger level na maaaring magdulot ng heat exhaustion.
Nauna namang sinabi ng DepEd na batid ng mga school official na nananatiling prayoridad ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral at kawani ng mga paaralan.| ulat ni Diane Lear