Manhunt para kay Pastor Quiboloy, pinalawak sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawak na ng Philipppine National Police (PNP) sa buong bansa maliban sa Davao Region ang manhunt para kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong-balitaan sa Manila Hotel kahapon, kasabay ng pagsabi na bina-validate ng kanilang mga tracker teams ang impormasyon tungkol sa posibleng kinaroroonan ni Quiboloy at isa pang akusado.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Col. Fajardo na nasa loob pa rin ng bansa si Quiboloy at iba pang akusado base sa kanilang koordinasyon sa Bureau of Immigration.

Kasabay nito, sinabi ni Fajardo na inaasahan nilang mailalabas sa loob ng linggo ang pirmadong desisyon ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa rekomendasyon ng Firearms and Explosives Office (FEO) na bawiin ang License to Own and Posses Firearms (LTOPF) ni Quiboloy base sa kanyang kasong kinakaharap na isang Capital Offense.

Si Quiboloy ay may tatlong arrest warrant para sa kasong Child at Sexual Abuse na inilabas ng Davao City Regional Trial Court, at para sa kasong Human Trafficking na inisyu ng Pasig City Court.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us