MMDA, susunod sa direktiba ng Pangulo na isantabi muna ang pagpapatupad ng mas mataas na multa sa illegal parking

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na susunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na isantabi muna ang implementasyon ng mas mataas na multa sa illegal parking.

Batay ito sa Joint Traffic Circular No. 1 na inilabas ng Metro Manila Council.

Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na sa ngayon ay mananatili sa P1,000 ang multa sa mga attended illegal parking habang P2,000 naman sa mga unattended.

Ayon sa MMDA, kaisa ng Pangulo ang ahensya sa pagsusulong ng disiplina sa kalsada at paghihimok sa bawat Pilipino na maging disiplinado sa ilallim ng Bagong Pilipinas.

Nabatid na tinutulan ng Pangulo ang panukalang itaas ang multa sa illegal parking dahil mas maigi aniyang bigyang prayoridad ang disiplina imbes na ang pagmumulta. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us