Dream team ng Department of Finance, kumpleto na kasunod ng recent appointments ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kagarawan.
Pinasalamatan ni Finance Secretary Ralph Recto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng DoF na siyang kukumpleto sa team ng Kagawaran.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng appointment ni Atty. Charlito Martin Mendoza bilang Undersecretary for Revenue Operations Group, na siyang mangangasiwa sa operasyon ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.
Si Domini S. Velasquez ay itinalaga bilang Undersecretary at papangunahan ang Office of the Chief Economist (OCE), isang specialized unit na ang trabaho ay i-analisa ang mga datos sa ’emerging economic developments’, magbigay ng early warnings, at magrekomenda ng dapat tugon ng gobyerno sa economic issues.
Ang bagong Chief Economist ay may 15 taon na karanasan sa macroeconomic research at policy analysis.
At ang panghuli ay si Prof. Renato Reside Jr., Undersecretary for Fiscal Policy and Monitoring Group (FPMG).
Pangunganahan ni Reside ang formulation at advancement ng tax reform proposals at iba pang mahahalagang fiscal policy recommendations.
Kumpiyansa si Recto na malaki ang magiging ambag ng bagong tatlong undersecretary sa kagawaran. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes