Wala pang ‘AI-generated child exploitation material’ sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni PBGen. Portia Manalad, ang pinuno ng Women and Children Protection Center ng PNP, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang laban ng pamahalaan sa mga online na paggamit o pang-aabuso sa mga kabataan.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na tulad ng ibang bansa, ang Pilipinas ay nagde-develop pa lamang ng mga kagamitan upang matukoy kung AI-generated ang isang material na ginamit sa child online sexual exploitation.
“Right now, we don’t have AI-generated. But the Philippine National Police, of course, have been preparing for that. I just arrived from a meeting through the Virtual Global TaskForce, where even other countries like South Korea are still developing a tool to identify AI-generated CSAEM,” — Manalad.
Ang ginagawa aniya ng PNP sa kasalukuyan, isinasailalim na sa angkop na pagsasanay ang kanilang tauhan, habang nakikipag-balikatan rin sa ibang bansa at mga organisasyon laban dito.
“And then, itong AI-generated we are really doing everything na iyong mga personal namin, doing iyong undercover and investigation. I trained with the tools, we are still waiting for this, the tools but we are ongoing na ho iyong training for the AI-generated and other AI materials iyong para sa CSAEM po,” — Manalad. | ulat ni Racquel Bayan