Luzon grid, nakapagtala ng power peak demand na nasa 14,016 megawatts dahil sa matinding init ng panahon – DOE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas ng 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil sa matinding init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon sa buong bansa.

Sa isang virtual press conference sinabi ni Energy Secretary Raphael Lottilla, na naitala ang naturang peak demand forecast matapos lumagpas sa 13,917 na average demand ng Luzon grid.

Dagdag pa ni Lotilla, na posibleng umabot hanggang sa susunod na buwan maaaring makapagtala pa rin ng yellow at red alerts sa Luzon grid dahil sa naturang pagtaas ng peak demand.

Samantala, muli namang paalala ng Department of Energy (DOE) sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makatulong sa energy conservation sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us