Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Radyo Pilipinas sa paghahatid ng mga makatotohanang balita.
Iginawad ng PCG ang plaque of recognition sa programang Ronda Pilipinas nina Michael Rogas at Lorenz Tanjoco, kasabay ng pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng Coast Guard Public Affairs.
Ayon kay PCG Spokesperson Radm Armand Balilo, kanilang kinikilala ang mga media partner dahil sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko lalo na sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Gayundin sa mahalagang papel ng media sa paglalathala ng mga environemetal concern at mga safety protocol tuwing masama ang panahon.
Kinikilala rin ng PCG ang kahalagahan ng media, sa gitna ng mga nangyayari sa information space lalo na sa lumalaganap na fake news kung saan ang media ang paraan nila para maipaabot sa publiko ang mga tamang information. | ulat ni Michael Rogas