Pagsisiguro ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa, patuloy na tinututukan ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalalakas pa ng Marcos Administration ang pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

Sa kauna- unahang Joint National Peace and Order Council at Regional Peace and Order Council (NPOC-RPOC) meeting sa Malacañang (April 25), tinalakay ang mga hakbang na ipatutupad ng pamahalaan para sa pagsisiguro ng kaayusan at kapayapaan sa Pilipinas.

Present sa pulong ang mga opisyal mula sa Peace and Order Council, mapa-national at regional level.

Si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., ang nagbigay ng update kaugnay sa progreso ng konseho partikular sa pagsusulong ng pamahalaan sa safety at security ng mga Pilipino.

Ayon sa kalihim, marami nang achievement ang pamahalaan sa linya ng pagtugon sa mga usapin sa kapayaan, insurgency efforts, anti-illegal operations, crime prevention, barangay development, at iba pa.

Bukod dito, natalakay rin ng konseho ang ilang usapin na mayroong kinalaman sa national security, drug situation sa bansa, at cybersecurity concerns ng National Security Adviser (NSA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA). | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us