Sexual at child abuse cases ni Pastor Quiboloy sa Davao, nailipat na sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa Lungsod Quezon na lilitisin ang mga kasong kinakaharap ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy mula sa Davao.

Ito ay ang mga kasong sexual at child abuse bukod pa sa asuntong qualified trafficking.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Mico Clavano na ang prosecutor na ng Quezon City ang hahawak sa kaso ng pastor na tinaguriang Son of God na  nananatiling subject ng operasyon ng mga otoridad sa gitna ng arrest warrant na inisyu laban dito.

Patuloy ani Clavano sa kanilang look out si Pastor Quiboloy na hanggang ngayon ay nananatiling subject ng operasyon ng mga law enforcement agent.

Kaugnay nito ay nasa bansa pa din ang televangelist ayon sa DOJ official na mayroon ding bukod na mandamyento de aresto mula sa Senado.

Kaugnay naman ito ng kabiguang dumalo sa Senate hearing dahil sa pagkakadawit nito sa mga nabanggit na kaso. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us