Young Guns sa Kamara, nagbabala sa mapang abusong traders

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsilbi na dapat na babala sa mga mapang abusong trader ang ikinakasang imbestigasyon ng House of Representatives kaugnay sa patuloy na pagtaas sa presyo ng bilihin ayon sa Young Guns ng Kamara.

Matatandaan na mismong si Speaker Martin Romualdez ang nag-utos ng naturang pagsisiyasat sa malaking pagkakaiba ng farmgate at retail price ng basic commodities.

Ayon kay House Assistant Majority Leader Jay Khonghun, hindi mangingimi ang Kamara na ipatupad ang batas at sampahan sila ng economic sabotage na isang non bailable na kaso kung patuloy na mananamantala.

“The pronouncements of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez about the investigation is serious, and it should serve as a warning to our unscrupulous businessmen who are engaged in cartels in various industries in the agriculture sector. Please don’t do it, not at the expense of our poor kababayans. Otherwise, we will be forced to implement the full force of the law.

Sinang-ayunan naman ni Taguig Rep. Pammy Zamora ang hakbang na ito ng House leader lalo at kailangan aniya nilang protektahan ang interes ng consumer lalo na ng mga kapos sa buhay.

“We have to protect the interest of our consumers, especially those in the impoverished sector who could hardly make ends meet for their families. In times like these, government intervention is necessary to prevent abuses done with impunity,” ani Zamora.

Punto naman ni La Union Representative Paolo Ortega, na huwag naman sanang gawing biktima ang taumbayan at lalo na ang ang pagkain ay mahalaga para mabuhay ang isang indibidwal.

Umaasa din ang mambabatas na makonsensya ang mga sangkot sa pang aabusong ito.

“The poorest of the poor needs nourishment the most among our population, which is a huge part. Imagine they have to grapple with the almost never-ending inflation, yet our business sector still takes advantage of them. This shouldn’t be,” wika ni Ortega | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us