Mayroong kahaharaping liability at accountability ang mga pulis o government officials na mapatutunayang nakikipagtulungan sa International Criminal Court (ICC).
“Well, as mentioned by the Solicitor General, this is a government policy. So, when a government officer or official is coordinating with the ICC against ‘no the direction or the orders and the policy of the government, there may be accountability involved,” — Clavano.
Ito ang inihayag ni Justice Asec. Mico Clavano, kasunod ng sinabi ni dating Senator Antonio Trillanes na nasa 50 aktibo at retired police officers ang binibigyang pagkakataon ng ICC na linisin ang kanilang pangalan.
“If there’s any law enforcement or government official that goes against the policies and orders of the authorities in position, then obviously there will be some sort of conflict of interest, there will be accountabilities and definitely liabilities that go with it,” — Clavano.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, wala rin aniyang ulat na nakakarating sa kanilang tanggapan, kaugnay sa naging pahayag ng dating senador.
Gayunpaman, sakali aniyang mapatunayang nakikipagtulungan ang aktibong police officers at government officials sa imbesitagasyon ng ICC sa umano’y human rights violation ng nagdaang administrayon, maituturing itong pagsuway sa polisiya ng pamahalaan.
“Sa nakikita ko admin case ‘yan pero if they are in the position and they are part of the government, it is possible na maalis sila if they cooperate with the ICC. Kasi very clear, very consistent ‘yung stance ng gobyerno at ni Presidente na we don’t recognize their authority here,” — Clavano. | ulat ni Racquel Bayan