Tumaas ng 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil sa matinding init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon.
Sa isang virtual press conference sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na naitala ang naturang peak demand forecast matapos lumagpas sa 13,917 na average demand ng Luzon grid.
Dagdag pa ni Lotilla, posibleng umabot hanggang sa susunod na buwan maaaring makapagtala pa rin ng yellow at red alerts sa Luzon grid dahil sa naturang pagtaas ng demand.
Samantala, muli namang paalala ng DOE sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makatulong sa energy conservation sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio