Pilipinas, naluklok bilang chair ng COSCAP sa Southeast Asia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahalal bilang chairperson si Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Captain Manuel Antonio Tamayo sa ginanap na 21st Cooperative Development of Operational Safety and Continuing Airworthiness Programme sa Southeast Asia.

Aniya, isang malaking karangalan na maging chair sa isa sa mga asosasyon na nagsususulong ng mas ligtas na pagpapatupad ng airworthiness ng bawat sasakyang panghimpapawid sa mundo.

Dagdag pa ni DG Tamayo, ang mga matututunan ng ating bansa sa naturang asosasyon ay maari nating i-adopt sa Pilipinas upang mas maging maayos at ligtas ang bawat pagbiyahe ng mga aircraft sa bansa.

Sa huli, nagpalasamat si Tamayo sa pagtitIwala ng bawat miyembro ng COSCAP at siniguro nitong gagampanan nito ang kaniyang tungkulin. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us